-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Pinangangambahan ngayon ng mga residente sa Brgy. San Roque, Malilipot, Albay na lamunin na ng lupa ang ilang mga kabahayan dahil sa malaking soil erosion na nangyayari sa lugar.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Kapitan Josefina Biñas, hindi na madaanan pa ang kalye sa barangay na tuloyan ng bumagsak sa bangin na halos 42 meters ang lalim.

May ilang kabahayan rin ang malapit ng maabot ng soil erosion.

Agad naman na ipinag-utos ng lokal na gobyerno ang pagpapalikas sa mga residente na nakatira sa lugar at pansamantalang nanunuloyan sa San Roque Elementary School.

Ayon kay Biñas, pinagpaplanohan na ng lokal na gobyerno na i-relocate ang mga ito 50 meters mula sa bangin.

Humihingi ngayon ng tulong ang mga residente na apektado ng erosion lalo pang magkakasunod-sunod na bagyo na ang dumaan sa lalawigan.