DAVAO CITY – Ilang bahay ang nasira o nawasak sa Barangay Paloc, Maragusan Davao De Oro kaninang umaga, Marso 6, matapos niyanig ng lindol ang lalawigan ng Davao de Oro alas-1:00 ng madaling araw.
Personal naman na bumisita si Mayor Angelito “Lito” K. Cabalquinto upang magsagawa ng inspeksyon sa lungsod, at upang suriin ang sitwasyon ng Davao De Oro Provincial Hospital- Maragusan at ang kondisyon ng nasabing istraktura at mga pasyente nito.
Batay sa talaan ng PhilVocs, ang epicenter ng lindol ay matatagpuan sa New Bataan sa Davao De Oro, kung saan nararanasan ang mild aftershocks hanggang ngayon.
Kaugnay nito, naglabas narin ng direktiba si Davao De Oro Gov. Dorothy Gonzaga para sa suspensiyon ng klase ngayong araw sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Davao De Oro.