-- Advertisements --

Inabot ng tubig-baha ang maraming mga kabahayan sa probinsya ng North Cotabato ngayong araw, Oct 21.

Ito ay dahil na rin sa halos walang-tigil na pag-ulang dulot ng bagyong Kristine.

Batay sa inisyal na datus, hanggang 60 pamilya na ang inilikas sa bayan ng Magpet, habang tinatayang tatlumpong kabahayan na ang nasira. Kalahati rito ang pinaniniwalaang naanod na at sumama sa tubig-baha

Pinaniniwalaang nasama rin sa malakas na pag-agos ang mga alagang hayop, motorsiklo, at mga kagamitan ng mga residente sa lugar.

Ayon kay Engr. Donald Homez ng Magpet Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), mayroon na ring napaulat na pagguho ng lupa o mga landslide sa ilang mga brgy, kasunod ng walang-tigil na pag-ulan.