TACLOBAN CITY – Ilang mga lugar sa bahagi Biliran at Leyte ang unpassable sa ngayon dahil mga naitalang pagbaha at landslide dahil sa walang humpay na pagulan dulot ng bagyong Jenny.
Hindi madaanan partikular ng mga malalaking sasakyan ang Caray-caray bridge na Naval, Biliran matapos itong bumigay dahil sa pagbaha.
Ilang daan din ang unpassable sa Leyte, Leyte dahil sa mga naitalang landslides samantala lubog naman sa baha ang aabot sa limang barangay sa naturang lugar.
Kaugnay nito, nasa walong bayan sa probinsya ng Biliran ang nagsuspendi ng klase sa lahat ng antas partikular na ang bayan ng Cabucgayan, Almeria, Maripipi, Culaba, Caibiran, Kawayan, Biliran at Naval at gayundin ang Tanuan at Babatngo sa lalawigan ng Leyte.
Sa ngayon ay patuloy ang babala ng mga otoridad sa mga residente na panatilihing mag-monitor sa kalagayan ng panahon at sumunod sa advisory ng mga kinauukulan upang maiwasan ang paglala pa ng sitwasyon dulot ng masamang lagay ng panahon.