-- Advertisements --
Ambo Oras Eastern Samar
Typhoon Ambo aftermath in Oras, Eastern Samar (photo credit Philippine Disaster Center)

Kinumpirma ni Eastern Samar Gov. Ben Evardone na pansamantalang isinara ang kalsada mula Western Samar papasok ng Eastern Samar.

Ayon kay Evardone, mula pa kaninang umaga isinara ang highway dahil sa landslide prone area ang lugar.

Ang iba naman daw na kalsada ay passable pa.

Mula pa umano kaninang umaga ay naramdaman na nila ang sungit ng panahon.

Inamin nito na nagulat din sila dahil sa akala nila tulad ng forecast ng Pagasa ay sa bahagi ng Northern Samar ang landfall ng mata ng bagyo pero tumama pala ito sa San Policarpio sa kanilang lalawigan.

Sa ngayon ay may isang bayan sa kalapit na San Policarpio ang hindi na niya makontak.

Sa bahagi raw ng bayan ng Maslog ay pinabeberipika ng gobernador kung merong nasaktan matapos iulat ng mayor doon na bumagsak ang isang warehouse.

Samantala, kabilang naman sa naging problema ng Eastern Samar kasabay sa pananalasa ng bagyo ay dahil sa ang ilang evacuation centers ay ginawang COVID quarantine centers.

Pero tiniyak naman ni Evardone na mahigpit pa ring paiiralin ang physical distancing.

Pasalamat pa rin daw si Gov. Evardone na kahit umabot sa mahigit 4,000 ang mga persons under monitoring (PUM) ay negatibo naman ang kanilang probinsya sa deadly virus.