Isasara ang ilang kalsada sa Lunes, Enero 13, upang biyang daan ang National Rally for Peace ng Iglesia ni Cristo na gaganapin sa Quirino Grandstand.
Ang mga sumusunod na kalsada ay isasara simula 4 a.m. sa Enero 13, ayon sa Manila Public Information Office:
– Katigbak Drive and South Drive
– Independence Road
– North and South bound of Roxas Blvd. from Katigbak Drive to U.N. Ave.
– North and South bound of Bonifacio Drive from Katigbak Drive to Anda Circle
– P. Burgos Ave. from Victoria St. to Roxas Blvd.
– Ma. Orosa St. from P. Burgos Ave. to U.N. Ave
– Finance Rd. from P. Burgos Ave. to Taft Ave.
– Gen. Luna Roundtable
– Kalaw Ave. from Taft Ave. to Roxas Blvd.
Inaasahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na aabot sa 1 milyon ang dadalo sa event sa Enero 13.
Una rito, inihayag ng Malacañang ang suspensiyon ng mga opisina at klase ng gobyerno sa lahat ng antas sa lungsod ng Pasay at Maynila sa gitna ng National Rally for Peace ng Iglesia Ni Cristo.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya sumusuporta sa anumang impeachment plan laban kay Vice President Sara Duterte.
Kasalukuyang nahaharap si Duterte sa tatlong impeachment complaints sa Kamara.