-- Advertisements --
image 18

Isasara ang ilang kalsada sa Manila simula sa Enero 6 para sa nalalapit na selebrasyon ng Black Nazarene.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Andre Dizon, isasara ang mga kalsada simula alas-10 ng gabi ng Enero 6 hanggang Enero 9.

Kabilang dito ang kahabaan ng Katigbak drive, Independence road, kahabaan ng South drive, Northbound at Southbound lane ng Roxas Blvd. mula South Drive patungong Katigbak Drive.

Habang mula alas-12:01 am ng January 8 hanggang January 9 ay isasara ang mga kalsada sa:

– Northbound at Southbound lane ng Quezon Blvd. mula A. Mendoza/Fugoso patungong Quezon Bridge diretso ng P. Burgos (Park N’ Ride)
– Westbound at Eastbound lane ng España Blvd from P. Campa to A. Mendoza
– Kahabaan ng Evangelista St. mula Plaza San Juan patungong C.M. Recto Ave.
– Kahabaan ng Raon St. mula Evangelista pattungong Quezon Blvd.
– Kahabaan ng P. Paterno St. mula Quezon Blvd. patungong Evangelista
– Kahabaan ng Carriedo St. mula Rizal Ave. hanggang Plaza San Juan
– Kahabaan ng C. Palanca St. mula Macarthur Bridge hanggang Quiapo Ilalim (Quinta Market) diretso sa P. Casal
– Bustos St. mula Plaza Sta. Cruz hanggang Rizal Ave.
– Northbound lane ng Rizal Ave. mula Carriedo hanggang C.M. Recto Ave.
– Northbound lane ng McArthur Bridge