-- Advertisements --

Isasara muna bukas, June 24, Lunes ang ilang kalsada sa Manila ayon sa Local Government Unit nito kasabay ng pagdiriwang bukas ng ika-453 Araw ng Maynila.

Payo ng lokal na pamahalaan sa mga motorista, gumamit ng mga alternatibong ruta at planuhin nang maaga ang mga lakad para maiwasan ang pagkaantala. 

Tatlong pangunahing kalsada kase ang isasara sa trapiko, simula yan hatinggabi ng June 24. Kabilang dito ang Onyx Street mula Pedro Gil hanggang Zobel Roxas, Zobel Roxas Street mula Pablo Ocampo hanggang Pasig Line, at ang Florentino Torres Street, kilala rin bilang Dagonoy Street.