-- Advertisements --

Muling isasara ang ilang kakalsadahan sa Maynila kasabay ng pagdiriwang ng Chinese New Year.

Batay sa inilabas na abiso ng Manila Police District-Public Information Office, sisimulan ito sa Martes ng gabi .

Hindi na maaaring dumaan ang mga sasakyan sa mga isasarang kalsada mula alas 9 ng gabi sa Enero 8.

Kinabibilangan ito ng kahabaan ng Quintin Paredes mula P. Burgos Avenue hanggang Dasmarinas Street;Jones Bridge; Plaza Cervantes; Binondo-Intramuros Bridge.

Pinapayuhan ang mga motorista na magmumula sa Reina Regente Street na dumaan sa Juan Luna Street .

Sa mga dadaan naman sa bahagi ng southbound lane ng Jones Bridge, inabisuhan ang mga ito na lumiko pakaliwa sa Plaza Lorenzo Ruiz , lumiko sa kanan patungo sa Noberto Ty at muling lumiko pakanan pa Yuchengco Street at kumaliwa sa bahagi ng Ongpin.

Para naman sa mga motorista na magmumula sa P. Burgos Avenue/Taft Avenue na nais dumaan sa Jones Bridge , maaari silang dumiretso sa McArthur Bridge o Quezon Bridge para makarating sa kanilang patutunguhan.

Maaari namang dumaan ang mga motorista na magmumula sa Plaza Sta. Cruz na nais na dumaan sa DasmariƱas Street sa pamamagitan ng pagliko pakanan sa bahagi ng Quintin Paredes Street.

Ang mga sasakyan naman na mula Magallanes Drive na patungong Binondo-Intramuros Bridge ay maaaring dumiretso sa A. Soriano Avenue hanggang Anda Circle.

Ang road closure na ito ay magtatagal hanggang sa pagtatapos ng pagsalubong sa Chinese New Year.

Pinapaalalahanan rin ang mga motorista na maging mahinahon sa daan tuwing nagmamaneho at huwag laging painitin ang ulo sa daan.