-- Advertisements --
KAPA MEMBERS

GENERAL SANTOS CITY – Dismayado ang mga miyembro ng Kabus Padatuon o KAPA Community Ministry International Inc. na dumalo sa isinagawang prayer rally sa Acharon Sports Complex sa lungsod, matapos na umano’y pinaasa lang sila ng kanilang founder na si Joel Apolinario.

Ito’y makaraang tiniyak sa kanila ng kanilang founder na “okay” na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing investment bago pa man ang pagdating ng Presidente sa lungsod nitong nakalibas na Huwebes ng hapon, para sa pamimigay ng nasa 13,000 certificate of land ownership award (CLOA) sa mga agrarian reform beneficiaries.

Una rito maagang nagbunyi ang mga KAPA members makaraang kumalat ang isyu sa social media na umano’y nagkausap na sina Pangulong Duterte at si Apolinario.

Sinasabing pinahintulutan na raw ng punong ehekutibo na magpatuloy ang operasyon ng nasabing investment group.

Mas lalo pa silang umasa nang dumating pa sa gitna ng prayer rally si Apolinario sakay ng chopper na tumagal lamang ng ilang minuto sa sports complex.

Subalit pinahiya ito nang muling iginiit ni Pangulong Duterte sa kaniyang talumpati sa Lagao Gym, na dapat nang matigil at maipasara sa lalong madaling panahon ang operasyon ng KAPA.

Minura pa mismo at pinagbantaan ni Duterte si Apolinario dahil sa ginagawa umanong panloloko sa kanilang mga miyembro o investors.

Note: Pls click above President Rodrigo Duterte’s speech on KAPA
duterte on kapa gensan

May ilan pa sa mga miyembro ang nagsabi na tila na-Miss Colombia sila, matapos na pinaasa lamang sa fake news.