-- Advertisements --

ROXAS CITY – Natuloy ang pinakaunang orientation na isinagawa ng kontrobersyal na KAPA Community Ministry International Inc. o Kabus Padatoon sa Capiz.

Ito ay sa kabila ng naging mandato na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation at maging sa Philippine National Police–Criminal Investigation and Detections Group na pagpapasara sa naturang organisasyon na pinamumunuan ni Pastor Joel Apolinario.

Isinagawa ang orientation sa AVR Home Depot sa Barangay Punta Tabuc, Roxas City, na tumagal umano ng halos tatlong oras kung saan naging speaker ang officer-in-charge (OIC) ng KAPA Iloilo-Pavia Branch na si Isagani Capitle.

Sinasabing layunin ng orientation na mapalaganap ang magandang hangarin ng grupo na makatulong lalo na sa pagpapalago sa finances ng tao.

Maliban dito, nagsagawa rin daw ng prayer meeting ang mga miyembro ng KAPA sa isla ng Panay na ginanap sa KAPA Iloilo-Pavia Branch.