CAGAYAN DE ORO CITY – Humingi na ng tulong ang ilan sa mga dating investor ng Kabus Padatoon (KAPA) Community Ministry International Incorporated sa National Bureau of Investigation (NBI)-Northern Mindanao sa Cagayan de Oro City.
Kumpirmasyon ito ni NBI regional director Atty. Patricio Bernales sa Bombo Radyo matapos matanong kung mayroon nang humingi ng legal assistance para mahabol ang investment capital ng mga dating miyembro na nakulimbat ni KAPA founder Joel Apolinario at incorporators nito.
Sinabi ni Bernales na hinihintay na lamang nila ang pagpapakuha ng sworn affidavits ng mga hindi muna pinangalaan na KAPA victims habang inihahanda ang kinakilangang mga dokumento.
Dagdag ng opisyal na hindi pa kasali rito ang nasa 6,000 personalidad na nalathala sa nasbaat na tambak-tambak na KAPA membership forms nang ma-raid ng NBI at Securities and Exchange Commission (SEC)-10 ang dalawang tanggapan ng grupo sa Valencia City,Bukidnon at Opol,Misamis Oriental noong nakarang mga buwan.
Sa kabila nito,idinaan ni Bernales sa Bombo Radyo ang panawagan ng KAPA victims na huwang mag-aksaya ng panahon bagkus ay maghain na ng reklamo laban kay Apolinario upang madagdagan ang mga kaso na kaharapin nito sa korte.
Si Apolinario kasam ang kanyang asawa at ang ibang incorporators ay ilang linggo nang nagtatago matapos ipina-aresto ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil nasangkot ng malawakang panloloko sa kanilang mga miyembro sa bansa.