-- Advertisements --

Nahaharap sa reklamo si National Capital Region Police Office (NCRPO) acting chief Major General Sidney Hernia at 14 na pulis nito dahil sa umanoy pangongotong matapos ang ginawang raid nila sa Malate, Manila.

Sa nasabing insidente kasi ay apat na Chinese ang inaresto ng mga kapulisan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group sa raid umano ng mga online scammers.

Ang mga naarestong Chinese national ay lumapit sa National Police Commission para maghain ng reklamo.

Sa reklamo sa opisina ni Interior Secretary Jonvic Remulla, na hindi umano binasahan ang mga inaresto ng kanilang karapatan ng mga umarestong kapulisan.

Isa umano sa mga naaresto ang hiningan ng aabot sa P1-milyon kada isa kapalit ang abogado na may malakas na kapit sa NCRPO para sa agaran nilang pagkalaya.