-- Advertisements --

Mahigpit ng inaaral ng Supreme Court ang apat sa 52 na “war on drugs” cases ng PNP.

Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, naihain na nila ang kaso sa korte.

Kinabibilangan ito ng kaso na ang biktima ay si dating University of the Philippines studen Carl Angelo Arnaiz na nakabinbin ang kaso sa Navotas trial court noong 2017, ang kaso na ang biktima ay si Richard Santillan na aide ni Atty. Glenn Chong at kasamang si Gessamyn Casing na nakabinbin sa Cainta trial court noong 2018.

Kasama rin ang kaso ng mga biktimang sina Anwar Sawadjaan, Noel Bacalzo and Angelo Hofer noong 2016 na nakabinbin sa Zamboanga del Norte trial court at ang kaso na ang biktima ay si Sharif Amatonding noong 2016 na nakabinbin sa San Pedro, Laguna trial court.

HIndi naman na binanggit ng kalihim ang mga pangalan ng mga kapulisan na sangkot sa kaso.

Nauna rito noong nakaraang taon ay inilabas ng DOJ ang impormasyo ng 52 kaso mula sa Internal Affairs Services ng PNP.

Lumabas na mayroong mahigit 150 na mga kapulisan ang sangkot sa nasabing ant-drug operations.