-- Advertisements --

Ilang katao ang pinaniniwalaang nasawi sa naganap na pamamaril sa Plymouth, England.

Agad na nagtungo sa lugar ang Devon and Cornwall Police sa Biddick Drive sa Keyham area matapos na makatanggap sila ng ulat ng pamamaril.

Paglilinaw nila na hindi isang uri ng terorista ang pangyayari.

Hawak na rin ng mga kapulisan ang suspek sa nasabing insidente at inaalam nila ang motibo ng insidente.