-- Advertisements --

Hindi bababa sa limang katao ang nasawi matapos na sila ay panain ng suspek sa Norway.

Naganap ang insidente sa bayan ng Kongsberg sa Oslo kung saan mayroong ilang katao ang nasugatan din.

Sinabi Chief Oeyvind Aas na kanilang naaresto ang suspek sa insidente.

Base sa imbestigasyon isinagawa ng suspek ang atake sa loob ng Coop Extra supermarket.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan sa suspek at inaalam ang motibo sa insidente.