Hinikayat ni House Deputy Speaker Ralph Recto ang pamahalaan na maglaan ng pondo mula sa katas ng buwis ng langis upang magamit sa paglilinis ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Binigyang diin ng mambabatas na kada taon ay mayroong koleksyon ng higit sa P380 billion mula sa buwis ng langis ay hindi naman umano masama kung kahit ang isang bilyon ay gagamitin para sa lumubog na barko sa nasabing lugar na apektado ng oil spill.
Sa oras umano na may banta sa ating kalikasan, natural lamang na magkaroon ito ng parte mula sa buwis lalo na’t marami na ang apektado ng nasabing insidente.
Sanhi rin ito ng polusyon sa karagatan at pagkakasakit ng mga tao doon.
Kung matatandaan raw, ang justification ng mga nakaraang administrasyon sa mataas ng singil ng buwis ng langis ay ito ang magsisilbing compensation sa pinsalang dala nito sa kalusugan at kalikasan.
“The argument was that it is paid to compensate for damages to health and the environment.
That was how previous administrations framed their justification for higher oil taxes, so can this principle be invoked in the Mindoro oil spill? Can collections of this specific tax be spent for the contingencies used to justify its imposition?”, ayon pa kay Rep. Recto.