Buhos ang pakikiramay mula sa mga kilalang personalidad dahil sa pagkamatay ni NBA legend Kobe Bryant sa nangyaring helicopter crash sa California nitong Linggo.
Ang Brazilian professional footballer na si Neymar Jr. ay idini-dedicate nito ang kaniyang goal sa paglalaro sa French Ligue 1 para kay Bryant.
Nag-24 symbol pa ito, na siyang jersey number ni Kobe, matapos maipasok ang bola sa 52nd-minute penalty.
Una rito, nagpaabot din ng pakikiramay ang first couple ng United States na si Pres. Donald Trump at first lady Melania Trump.
Binigyan naman ng pagpupugay nina dating US President Barack Obama at may bahay na si Michelle ang basketball legend.
Para naman sa retired NBA star na si Kareem Abdul-Jabbar, maaalala raw si Kobe nang higit kaysa sa pagiging atleta nito, dahil sa laki ng kaniyang ambag sa larangan ng palakasan at inspirasyon sa maraming tao.
Bumuhos naman ang mga fans ng tinaguriang “Black Mamba” sa Staples Center para mag-alay ng bulaklak at sulat.