-- Advertisements --

Suspendido pa rin ang ilang klase sa probinsya ng Batangas ngayong araw ng Lunes, Enero 27.

Ito ay kahit na ibinaba na ng Phivolcs sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal mula sa Alert Level 4.

Ayon kay Batangas Gov. Hermilando “Dodo” Mandanas, na mananatiling sarado ang mga eskwelahan sa elementary at secondary level dahil sa ginagamit pa ang ilan sa mga ito bilang temporary shelter ng mahigit 50,000 evacuees.

Samantala, puwede na aniyang ituloy ang klase sa mga kolehiyo, unibersidad, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at lahat ng nasa ilalim ng Commission on Higher Education (CHED).