-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Aminado ang isang Pinay workers sa Hong Kong na tumindi pa ang kanilang kalbaryo dahil sa umiinit na tensyon sa pagitan ng mga sibilyan at gobyerno ng rehiyon.

Ayon kay Bombo International correspondent Leah Almazan, pahirapan na ang biyahe sa Mass Transit Railway (MTR) ng Hong Kong matapos ipahinto dulot ng pagsira rito ng mga nagpo-protesta.

Kakaunti na lang din daw ang mga bumi-biyaheng taxi at bus dahil takot na maipit sa gitna ng gulo.

Ang mga overseas Filipino worker gaya ni Leah ay pinagbabawalan na rin umanong lumabas ng kanilang mga ama para hindi na mapagkamalang kasali sa mga pag-aalsa.

Ayon sa Pinay, kapansin-pansin ang tila nabawasang bilang ng mga turista mula nang pumutok ang krisis.

Ilang establisyemento na rin daw ang nag-deklara ng bankruptcy.