Hindi sang-ayon ang ilang mambabatas sa naging pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na posibleng bawiin ng Kamara ang mga pribiliheyo ng mga OFWs.
Ito’y kasunod ng pagbabanta ng ilang OFW groups na nagsusulong ng Zero Remittance Week bilang protesta sa pagkakaaresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Representative Gerville Luistro na hindi napapanahon para pag-usapan ‘retaliation’ o pagbawi ng Kamara ang tax privileges ng mga OFW.
Kabilang dito income tax exemption, travel tax exemption, at iba pa.
Giit niya na hindi dapat maging agresibo sa issue at sa halip ay makipagdiyaloho na lamang sa kanila para ipaintindi na legal ang ginawang pag-turnover ng pamahalaan kay dating pangulong Duterte sa The Hague.
Nakiusap naman si Representative Marissa Magsino na huwag gawing bahagi ng alitan sa pulitika ang mga OFW.
Sa pahayag ay sinabi niyang dapat pagtuunan ng pansin ang kanilang kapakanan at tiyaking natutugunan ang kanilang mga panawagan maging kaligtasan.