Nagpa-abot ng kanilang pakikiramay ang mga ilang mga kongresista sa dati nilangkasamahan sa Kongreso ang pumanaw na si dating Congressman Ronaldo “Nonoy” Andaya.
Kabilang sa mga nagpa-abot ng kanilang pakikiaramay ay sina House Majority Leader Congressman Martin Romualdez, Albay 2nd District Representative Josey Salceda, Cong. Eric Pineda at Cong. Sharon Garin.
Si Andaya ay dating House Majority Leader sa panahon ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo, Pampanga 2nd District Representative nuong 17th Congress.
Kaniya-kaniyang inalala ng mga mambabatas ang naging kontribusyon ni Andaya bukod sa magaling na mambabatas mabait din itong kaibigan.
Ayon kay Romualdez, siya ay nabigla at ang iba pang mga mambabatas sa balita ng kaniyang pagpanaw.
” With his steady hand and efficiency, Majority Leade Nonoy guided the House of Represenatives during tumultous time in the chamber. His abilities as both a legislator and leader will never be forgotten. We are shocked by his passing. He will be terribly missed in the halls of Congress. Our thoughts and prayers are with his family,” pahayag ni Cong. Romualdez.
Dagdag pa nito na kanilang mami-miss ang dating mambabatas.
Ayon naman kay Cong. Joey Salceda ang ama ni Andaya si Rolando Senior ay kaniyang mentor.
Kapatid ang turing ni Salceda sa namayapang mambabatas kung saan pareho ang kanilang mentor.
Lubhang nalulungkot si Salceda sa biglang pagpanaw ni Andaya Jr.
Sa panig naman ni Cong. Eric Pineda, napaka tragic ang nangyari sa dating mambabatas.
Ayon naman kay Cong Sharon Garin, si Andaya ay napakatalinong tao, tinuruan umano siya nito kung paano manalo sa war with attitude.
” He taught me how to win a war with attitude. He was brilliant! The world is a little dimmer now with his passing,” mensahe ni Cong. Garin.