Darating na sa araw ng Linggo ang anim na koponan na lalahok sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.
Magiging host kasi ang Pilipinas sa nasabing malaking torneyo na gaganapin sa Clark, Pampanga para sa mga nasa Group A and B.
Tatlong beses na matutunghayan ang laro ng Gilas Pilipinas na ang una ay sa June 16 laban sa Korea habang sa June 18 ay sa Indonesia at sa June 20 ay kontra sa Korea.
Nasa Group A kasi ang Gilas na mayroong score na 3-9 na sinusundan ng Korea na mayroong 2-0 at Indonesia na mayroong 1-2.
Nabawasan ang koponan dahil ang laro ng Group C sa pagitan ng Guam at Hong Kong ay gagawin na lamang sa Amman, Jordan.
Tanging ang dalawang teams sa bawat anim na grupo ang sasabak sa 2021 FIBA Asia Cup na gagawin sa Indonesia sa buwan ng Agosto.