-- Advertisements --
Carrie Lam
Carrie Lam/ IG post

Taas kilay ang ilang kritiko ni Hong Kong leader Carrie Lam matapos ang pag-anunsyo nito na tuluyan nang ibabasura ang extradition bill sa Hong Kong,

Hindi kumbinsido rito si Civil Human Right Front’s Bonnie Leung. Aniya, hindi raw nila ramdam ang sinseridad sa sinabi ng kanilang pinuno na tuluyan na nitong wawakasan ang pagsulong ng kontrobersyal na panukalang batas.

Dagdag pa nito, hindi raw kapani-paniwala ang pahayag ni Lam dahil sarili nilang gobyerno ay hindi kayang pangatawanan ang pinaglalaban nitong prinsipyo sa kanilang batas.

Ilan naman sa patuloy na panawagan ng ilang Demonstrator ang pagbibitiw ni Lam sa kaniyang pwesto, magsagawa ng independent investigation kasunod ang ginawang aksyon ng mga otoridad laban sa mga nagsagawa ng malawakang kilos protesta at pati na rin ang pag-abandona ng Hong Kong government sa tawag nitong “violent protest” ang nangyaring riot noong Hunyo 12.

Ngunit ayon kay Lam, hindi raw simpleng bagay ang hinihingi ng mga ito.

Umapela rin ito ng pang-unawa sa kaniyang nasasakupan na hayaan itong gamitin ang ikalawang tsansa na ibinigay sa kaniya upang kaagad na masolusyonan ang problema sa ekonomiya ng Hong Kong.