-- Advertisements --
Nakatakdang ilagay ng Department of Agriculture sa blacklist ang apat na agricultural companies sa sangkot sa smuggling activities.
Sinabi ni Agricultural Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, na dalawa sa nasabing kumpanya ang sangkot sa pag-angkat ng mga fishery products habang isa naman sa asukal at isa sa bigas.
Ang nasabing hakbang na ito ay para bahagi ng kanilang kampanya sa labanan ang mga smugglers.
Pagtitiyak niya na sa mga susunod na buwan ay may mga kumpanya pa silang ilalagay sa blacklist.
Hindi naman na nito pinangalanan ang kumpanya dahil sa may isinasagawa pa silang mga karagdagang imbestigasyon.