-- Advertisements --
motorcycle riders1

Mayroong good news at mayroong bad news para sa mga motorista bukas.

Nag-anunsiyo na kasi ang ilang kumpanya ng langis ng kanilang ipatutupad na adjustment sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang Pilipinas Shell at Seaoil ay magpapatupad ng dagdag sa presyo ng gasolina na P1 kada litro.

Habang may rollback naman sa kerosene na P0.60 kada litro.

Mayroon namang kakapiranggot na rollback sa disesel na P0.10 kada litro.

Epektibo ang paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo ng naturang mga kumpanya dakong alas-6:00 bukas.

Ang oil price adjustment ay inaanunsiyo tuwing araw ng Lunes at ipinatutupad sa araw ng Martes.