-- Advertisements --

Umarangkada na muli ang ilang kompaniya ng langis na magbawas presyo ng kanilang produkto.

Mula nitong Sabado hanggang Linggo ay nagsimula na magpatupad ng bawas presyo ang Phoenix at Clean Fuel ng P0.50 sa kada litro ng gasolina habang P0.10 naman sa kada litro ng diesel.

Sa araw naman ng Martes magbabawas ng presyo ang Petro Gazz na mayroong P0.50 sa kada litro ng gasolina at P0.10 sa kada litro ng diesel.