-- Advertisements --

Nanguna ang Phoenix Petroleum sa pagtapyas ng presyo ng kanilang produktong langis.

Simula kasi ngayong ala-sais ng umaga ay mayroong P0.80 sa kada litrong bawas sa gasolina habang mayroong P1.00 naman ang bawas sa kada litro ng diesel.

Inaashan naman ang pagbawas ng ilang kumpanya ng langis sa susunod na linggo na maglalaro sa P0.93 sa kada litro ng diesel at P0.96 sa kada litro ng gasolina.

Itinuturong ang dahilan ng rollback ay dahil sa epekto ng paggalaw ng presyo ng langis sa world market.