-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Hindi naitago ng ilang labor group ang pagkadismaya sa hindi parin naaabot na tamang pasahod para sa mga manggawa sa boung Pilipinas.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupanm inihayag ni Primo Amparo, chairperson ng grupong Workers for Peoples Liberation, napapanahon na kahit minsan maranasan din ng mga opisyal ng pamahalaan na makipagpalitan ng sahod sa isang simpleng indibidwal upang lubusang maramdaman ang pasakit na kanilang nararamdaman.

Sa ganitong paraan aniya ay posibleng maiintindihan ng pamahalaan kung papaano nga ba talaga nabubuhay ang isang karaniwang mamamayan at marahil ay mas mabilis ang kanilang gagawing mga hakbang.

Sa katunayan naglalaro sa P700 hanggang P800 ang halaga na inaasam ng mga manggagawa upang masabi na ito’y talagang makakaagapay sa kanilang pamumuhay.