Pinagbibitiw ng grupong Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) si Ang Probinsiyano partylist Rep. Alfred delos Santos dahil sa ginawa nitong pananakit sa isang waiter sa lungsod ng Legazpi.
Sinabi ni ALU-TUCP spokesman Alan Tanjusay, na hindi sapat ang paghingi nito ng kapatawaran kay Christian Kent Alejo ang waiter na sinaktan ng mambabatas.
Nararapat na ito ay magbitiw dahil sa ipinakita nitong pag-uugali.
Ayon naman kay Partido Manggagawa national chairman Rene Magtubo na nararapat talagang matanggal sa puwesto si Delos Santos.
Tinawag naman na ‘barbaric’ at hindi nararapat sa trabaho ni Federation of Free Workers vice president Julius Cainglet sa ginawa ni Delos Santos.
Magugunitang noong Hulyo 7 ng bigla na lamang saktan ni Delos Santos ang waiter dahil lamang daw sa masamang tingin.