Ginawa na ring mandatory ang COVID-19 green pass sa lahat ng workplaces sa Italy epektibo ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 15.
Dahil dito, pinangangambahan ang muling pagsasagawa ng protesta ng mga transport workers at sa mga pantalan kung saan nananatiling mababa ang COVID-19 vaccination rates.
Tinatayang nasa 2.5 million Italian workers pa ang hindi nababakunahan kontra COVID.
May ilang mga reports hinggil sa plano ng mga manggagawa na magsagawa ng strike ngayong araw o hindi pumasok sa trabaho bunsod ng bagong mahigpit na ipinapatupad sa kanilang bansa.
Ang mga manggagawa na walang maipresentang green pass ay pagmumultahin ng hanggang 1,500 euro o katumbaas ng $1,740 at suspensiyon sa trabaho ng walang sahod.
Layon ng hakbang na ito ng bansa na mapataas ang bilang ng vaccinated kontra COVID-19 at ma-contain ang infections sa pag-asaang maiwasan ang panibagong lockdowns.
Ang Italy ang unang European country na nakaranas ng healthcare crisis sa gitna ng COVID-19 pandemic kung saan nasa mahigit 130,000 ng kanilang mamamayan ang namatay dahil sa deadly virus.