Tinukoy ng OCTA Research Group ang pagtaas ng COVID-19 cases sa bawat araw sa ilang local government units (LGUs).
Kinabibilangan ito ng Makati City, Laoag City, Baguio City at lungsod ng Maynila.
Base sa data ng OCTA, tumaas sa 192 mula sa dating 82 ang daily average case sa lungsod ng Maynila habang mayroong 74 mula sa 55 na kaso sa Makati, 64 mula sa dating 49 sa lungsod ng Baguio at 55 mula sa dating 31 ang Laoag City.
Nangunguna pa rin sa ngayon ang Davao City sa mga LGU na may mataas na daily average ng COVID-19 cases na mayroong 218.
Mayroong pinakamataas na infection rates ang Cebu na sinundan ng Laoag.
Sa intensive care units utilization ay nagtala ng very high levels ang Davao City, Iloilo City at Taguig City.
Itinuturing naman na “high risk areas” ang Davao City, Cebu City, Iloilo, Bacolod, Makati, Cagayan de Oro, General Santos, Baguio, Taguig, Laoag at Mariveles.