-- Advertisements --

Hiniling ng maraming local government units (LGU) sa national government na bilisan ang pamamahagi ng mga bagong dating na COVID-19 vaccines para tuloy-tuloy na ang pagsasagawa ng pagpapabakuna ng kanilang mga residente.

Karamihan sa mga LGU ay pansamantalang itinigil ang pagpapabakuna dahil sa pagkakaubos na ng mga bakuna.

Sinabi ni Dr. Arnold Pangan ng Manila health department, kailangan na nila ang nasabing bagong set ng bakuna para sa pagpapaturok ng ikalawang dose ng bakuna ng mga nasa kategorya ng A1, A2 at A3.

Tiniyak naman ng Department of Health na agad nilang ipapamahagi ang mga bagong dating na bakuna sa bansa para hindi na maantala ang ginagawang vaccination program.