-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagsuspende ng trabaho ngayong araw ang City government ng Kidapawan at Department of Education North Cotabato Division upang bigyang daan ang damage assessment matapos na yumanig ang Magnitude 6.3 na lindol nitong Linggo.

Ito ang inihayag ni Engr. Arnulfo Villaruz, chief of operations ng PDRMMO-North Cotabato sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Villaruz, ang pagsasailalim sa ilang mga opisina sa kanilang lugar ang isang hakbang para siguruhin na ligtas ang mga nagtatrabaho sa mga ito.

Kaya half day lang muna ang ilan sa mga tanggapan kagaya ng Deparment of Education Division office sa North Cotabato at City Hall ng bayan ng Kidapawan kung saan maari namang makabalik ang mga empleyado sa nasabing tanggapan sa hapon kung masiguro na nga mga opisyal na ligtas sila sa loob nito.

Samantala, ang naitalang 4 na sugatan sa nasabing probinsya dahil sa pagyanig kahapon ay agad naman na nakalabas na sa ospital.

Habang, nasa 3 kabahayan ang totally damaged at 17 naman ang partially damaged at inaasahang madadagdagan pa.

Nakapagtala rin ng minor landslides sa bayan ng Makilala sa nabanggit na probinsiya.