-- Advertisements --

ROXAS – Nagsuspinde ng pasok ang ilang Local Government Units (LGUs) sa lalawigan ng Capiz, dahil sa patuloy na pag-ulan.

Sa labing-pitong LGU’s, labing-dalawa dito ang nagdeklarar ng suspindido ang kani-kanilang pasok, ito ang mga bayan nga Panitan, President Roxas, Pontevedra, Maayon, Panay at Pilar sa First District, samantalang sa second district naman Cuartero, Dao, Dumarao, Ivisan, Sapian at Sigma.

Sa kasalukuyan, baha na ang ilang barangay dahil sa mabilis na pag-akyat ng tubig sa mga ilog at riverflows, tulad nalang ng Brgy. Fernandez na hindi na madaanan ng mababang sasakyan, habang ang Brgy. ng Jebaca at Old Guia ay tuluyang hindi na madaanan ng anu mang uri ng sasakyan.

Alas-2 naman ng hapon ng ibinaba sa yellow warning mula sa orange warning ang lebel ng pag-ulan sa Capiz.

Sa ngayon, wala pang naiuulat na mga evacuees o stranded na pamilya sa nararanasang pag-ulan sa bung lalawigan.

Nakahanda rin ang lokal na gobyerno ng Capiz para sa posibleng magsisidatingan na mga evacuues.