-- Advertisements --

ROXAS CITY – Nag-anunsyo ng suspensyon ang ilang Local Government Unit’s (LGU’s) sa ibat-ibang lebel ng paraalan, dahil sa walang tigil na pag-ulan sa probinsya ng Capiz.

Napag-alaman na ilan sa mga paaralan na walang pasok sa lahat ng level ay ang;

*President Roxas
*Dumalag
*Panitan
*Maayon
*Pontevedra
*Panay
*Dao
*Sigma
*Sapian
*Pilar
*Jamindan
*Cuartero
*Dumarao
*Ivisan
*Mambusao
*Tapaz at ang paaralan ng Roxas City subalit Elementary at High School level lamang.

Samantala, sa bayan naman ng Mambusao nagbabalsa na ang ibang mga residente upang makatawid sa kabilang kalsada Unpassable naman sa lahat ng uri ng sasakyan ang Barangay Tumalalod habang Unpassable naman sa mga light vehicles ang Barangay Tugas Road sa nasabing bayan.

Ito ay kasabay ng walang tigil na pag-ulan at malakas na hangin kung saan may ilang mga lugar na nalubog sa baha at pahirapan sa pagbyahe.

Sa ngayon, patuloy ang pagmonitor ng mga LGU’s sa kani-kanilang mga lugar lalo na ang taas ng mga ilog at mga mababang lugar.