-- Advertisements --

Nagdeklara nang suspension of classes ng mga estudyante ang ilang local government units (LGUs) sa Metro Manila dahil sa naranasang malakas na buhos ng ulan kaninang hapon.

Kabilang sa nagsuspinde ng klase ay ang Marikina City sa lahat ng lebel matapos na mag-isyu ang Pagasa ng yellow rainfall warning.

Liban nito, maging ang siyudad ng Maynila, Muntinlupa, Las Pinas, Valenzuela, Caloocan City, Quezon City, Pasig, Pasay City, Paranaque at Taguig ay nagpalabas din ng pagsuspinde ng klase sa mga public at private schools.

Ayon sa mga lokal na pamahalaan, ang implementasyon ng suspension ay ibinatay nila sa bagong guidelines ng DepEd sa suspension of classes.

Nakapaloob sa naturang guidelines ang otomatikong kanselasyon ng mga klase sa mga lugar na nasa ilalim ng yellow, orange at rainfall warning.

Kabilang pa sa mga lugar na inalerto ng Pagasa ay ang Zambales at Bataan dahil sa Orange Alert, habang Yellow Alert naman ang itinaas sa Metro Manila, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, at Rizal.