-- Advertisements --
FB Facebook
Facebook

Sinuspendi ng social media giant na Facebook ang ilang libong mga apps bilang resulta ng privacy practices kasunod ng iskandalo na kinasasangkutan ng Cambridge Analytica.

Lumabas sa imbestigasyon ng Facebook na nagsimula noong 2018 na tila na-hijack ng mga apps ang personal data ng ilang milyong users nila.

Ang mga suspected apps ay naiuugnay sa 400 developers na karamihan ay mga software programs na nasa testing phase pa lamang.

Ayon kay Facebook chief executive Mark Zuckerberg na inaayos na nila ang standard para sa proteksyon na rin ng kanilang mga users.