Dinaluhan ng ilang libong mga mamamayan ng Iran ang pagdating ng bangkay ni Iranian President Ebrahim Raisi na nasawi matapos na bumagsak ang sinakyan nitong helicopter.
Kasama nitong nasawi si Foreign Minister Hossein Amir-Abdollahian at limang iba pa.
Mula sa Tabriz ang pangalawang ikinokonsiderang pinaka-sagradong lungsod sa Iran kasunod ng Masshad ay dumating na ang bangkay nito sa Tehran.
Mananatili ng ilang araw sa Tehran ang bangkay at doon isasagawa ang ilang funeral ceremonies.
Nakalagak ito ngayon sa Grand Mosallah Mosque bago ililipat muli sa makasaysayang Imam Reza shrine sa Mashhad at doon isasagawa ang ilang seremonyas.
Gumulong na rin ang imbestigasyon ukol sa nasabing insidente.
Magugunitang nitong Lunes ng biglang nawalan ng kontak ang helicopter kung saan galing ang grupo ni Raisi sa boundary ng Azerbaijan.