-- Advertisements --

Ilang libong mga gun rights supporters ang nagtungo sa Richmond city para iprotesta ang paghihigpit sa gun laws sa Virginia.

Karamihan sa mga nagtungo ay dala ang kani-kanilang mga baril kabilang na na mga assault rifles.

May mga iba na bumiyahe pa sa ibang estado para lamang makalahok sa nasabing kilos protesta.

Nagpatupad naman ng paghihigpit ang mga kapulisan sa opisina ng mga mambabatas kung saan ipinagbabawal ang pagdadala ng baril doon.

Inaalmahan ng mga residente doon ang pagpasa ng mga mambabatas ng Democrats sa paghihigpit sa mga baril.

Ayaw kasi maulit ng mga mamamayan ang nangyari noong 2017 sa Charlottesville sa Virginia kung saan isang babae doon ang nasawi ng araruhin ng isang neo-Nazi suspek ang kaniyang kotse sa mga nagsasagawa ng rally laban sa white nationalist rally.