Ilang libong protesters ang lumusob sa malaking bahagi ng Hong Kong.
Ito na ang unang pagkakataon na pinayagan ng mga kapulisan ang kilos protresta na pinangunahan ng Civil Human Rights Front isang pro-democracy group.
Sa pagtaya ng mga organizers na mayroong 800,000 katao ang dumalo subalit ayon naman sa kapulisan ay nasa 183,000 lamang ang bilang ng mga nagsagawa ng kilos protesta nitong Linggo ng gabi.
Nasa 11 katao rin ang inaresto kung saan nakuhanan ang mga ito ng baril.
Magugunitang nagsimula noong Hunyo 9 ang kilos protesta dahil sa pagkontra sa extradition bill hanggang sa ngayon ay naging anti-government protest na lamang.
Maraming mga protesters na rin ang nasugatan at naaresto habang mariing kinondina ng ilang mga opisyal ng Hong Kong ang ginagawang pag-vandalized ng mga protesters.