-- Advertisements --
Maraming kabahayan ang tinupok ng apoy sa malawakang sunog na naganap sa isla ng Evia sa Greece.
Malaking bahagi ng Peloponnese region sa southwest ang tinupok ng apoy habang naapula na ang sunog na naganap sa Athens.
Ilang libong residente na rin ang lumikas dahil sa nasabing malawakang sunog.
Tiniyak naman ni Prime Minister Kyriakos Mitsotakis na humingi na sila ng tulong sa Turkey para tuluyang maapula ang nasabing sunog.
Noong 10 araw na ang nakakalipas ay nasa 56,000 na hektarya ng lupain ang nasunog dahil sa malawakang wildfire.