-- Advertisements --
Ilang libong katao ang inilikas sa southwestern Japan dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Naglabas na ng emergency alert ang mga otoridad dahil sa banta ng mudslides, pagbaha at pag-apaw ng kailugan sa Fukouka, Saga at Nagasaki prefectures sa Kyushu island.
Umaabot sa mahigit 870,000 katao na naninireahan sa lugar ang inatasan na lumikas.
Mula pa noong Martes ay nagsimula ang malakas na pag-ulan sa lugar.
Pinayuhan naman ni Japanese Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga, na dapat laging makinig ang mga residente sa payo ng kanilang gobyerno para na rin sa kanilnag kapakanan.
Nagpakalat na rin ng 14,000 staff mula sa Japanese Defense Forces si Japanese Prime Minister Shinzo Abe para tulungan ang mga apektadong residente.