-- Advertisements --

Halos 30,000 na mga residente ang pinalikas sa northern California dahil sa nagaganap wildfire.

Ayon sa California Department of Forestry and Fire Protection (CalFire) na mahigit 48 oras na ang nagaganap na sunog sa Thompson.

Nagbunsod ang sunog dahil sa nararanasang matinding init ng panahon na umaabot sa 47C.

Bagamat walang naitalang nasawi ay maraming kabahayan naman ang natupok.