-- Advertisements --
Pinalikas ng gobyerno ng Papua New Guinea ang ilang libong residente matapos ang naganap na landslide dahil sa pagguho ng bundok.
Patuloy din ang ginagawang rescue sa nasabing lugar kung saan tinatayang nasa 2,000 katao ang natabunan sa northern Enga region.
Tumulong na rin ang mga sundalo para sa pagpapalikas ng mga residente.
Itinuturing na ang pangyayari bilang pinakamalalang landslide sa kasaysayan ng Papua New Guinea.
Nagsagawa na rin ng relief operations ang United Nations para sa mga apektadong residente.