-- Advertisements --
japan hagibis
Photo courtesy from Tommy Agpalsa in Japan

Nagpadala na ng ilang libong mga sundalo at rescue workers ang Japan matapos ang pananalasa ng bagyong Hagibis.

Umabot na kasi sa mahigit 23 katao ang patay habang mayroon pang 17 ang napaulat na nawawala.

Mayroong kabuuang 27,000 na mga sundalo at mga rescue crews para sa relief operations.

Tiniyak ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na kanilang ginagawa ang lahat ng makaya para matulungan ang mga nangangailangan.

Nasa 150,000 na mga residente pa rin ang walang suplay ng kuryente dahil sa nasabing bagyo.

Maraming lugar pa rin sa Japan ang lubog pa rin sa tubig baha gaya sa bayan ng Hakone at sa central Nagano.