-- Advertisements --
Pumalo na sa 57 katao ang nasawi matapos ang malawakang pagbaha sa Yemen.
Ayon sa United Nations Humanitarian affairs Office na mayroon ding mahigit na 34,000 na pamilya ang apektado ng nasabing malawakang pagbaha at pag-ulan na nagsimula sa huling linggo ng Hunyo hanggang sa buwan ng Agosto.
Labis aniyang nakakaawa ang kalagayan ng mga bikitma dahil hindi pa natatapos ang civil war na naranasan nila.
Dagdag naman ni Matt Huber ang International Organization for Migration (IOM)’s acting chief of mission sa Yemen, na mahalaga na mabigyang ng tulong mula sa iba’t-ibang mga bansa ang Yemen.