Apektado ang ilang linya ng kuryente sa Luzon at Visayas dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nitong Martes, sa Luzon, hindi available ang transmission lines sa Pitogo-Mulanay 69kV Line na nakaapekto sa mga customer ng Quezelco 1.
Sa Visayas naman, nasa 4 na transmission line ang pansamantalang na-down kabilang ang Paranas-Quinapondan line, Maasin-Baybay Line, Ormoc- San Isidro Line, Calbayog-Bliss line at Calbayog- Allen transmission line.
Kaugnay nito, pinakilos na ng ahensiya ang kanilang mga tauhan para i-inspeksiyon at i-assess ang epekto ng bagyo sa kanilang mga operasyon at pasilidad.
Tuluy-tuloy naman ang pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga lugar na naabot na o nadadaanan na.