Ibinabala ng isang ekonomistang mambabatas na nanganganib na mawala ang ilang local na industriya bunga na rin ng mataas na presyo ng mga asukal.
Ayon kay Albay 2nd district Rep. Joey Salceda, ito ay magreresulta ng pagkawala ng mga trabaho para sa mga Pilipino na ngayon ay nangyayari na.
Saad pa ng mambabatas na may ilang top brand ng kape na inaangkat dahil hindi kayang makipagkompetensiya ng domestic manufacturers gaya na lamang ng homegrown brand na inumin ay ginagawa pa sa Vietnam dahil mahal ang asukal sa Pilipinas.
Sinabi din ni Salceda na sunod na nanganganib na mawala ang domestic fruit canning at manufacturing na siyang pangunahing jobs provider sa dakong Mindanao. Kawawa din aniya dito ang mga gumagawa ng softdrinks kung saan naas 18% ng kanilang ginugugol para sa produksiyon ay asukal.
Habang ang mga gumagawa naman ng alcohol o alak na isa sa natatanging global Filipino brands ay gumagamit ng maraming asukal.
Isiniwalat din ng mambabatas na mula sa lahat ng mga goods sa October inflation report, ang asukal ang may pinakamataas na year-on-year increase na nasa 34%.
Isa aniya itong uri ng self-sabotage gayong ang presyo sa pandaigdigang merkado ay nag-stablized na.
Sa kabila nito, iginiit ng mambabatas na nasa ating mga kamay ang solusyon para mapababa ang presyo ng mga asukal hindi gaya ng mataas na presyo ng mais, langis at elektrisidad na ang dahilan ay ang global condition.