LAOAG CITY – Nananatiling sarado ang ilang lotto outlet sa Ilocos Norte kahit ibinalik na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon nito kagabi.
Ayon kay Mr. Rudy Gudoy, isa sa mga may-ari ng lotto outlet dito sa Lungsod ng Laoag, hinihintay pa nila ang direktiba ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Gayunman, masayang-masaya aniya sila sa desisyon ang pangulo na maibalik ang operasyon ng lotto sa bansa.
Araw-araw daw ay nagreremit sila ng kanilang kita dahil ang hindi makapagremit ay papatawan ng multa.
Sinabi pa ni Gudoy na komisyon lamang ang kinukuha nila para sa mga lotto agents.
Dagdag niya na 7 percent mula sa kabuuang kita ang pumapasok sa kanilang may-ari ng lotto outlet at ang 97 percent ay ire-remit nilang lahat sa account ng PCSO.